Sunday, 3 April 2016

Hugot sa Abang Falls (When in Bangui)

Sabi nila, ang pag-ibig daw ay dapat inaabangan kahit gaano man katagal, kasi ang pag-ibig ay matiyaga, mapagkumbaba, hindi humihingi ng kapalit at marunong maghintay. 

Sabi ko naman, ang pag-ibig ay isang malaking pagsasayang ng oras kung wala ka nang ibang ginawa kundi maghintay. 

Yaman din lamang at nadako na tayo sa mundo ng pag-ibig, ating sariwain mga ala-ala sa Abang Falls ng Bangui kasama ang mga hugot lines ng ating mga pusong sawi.


Para akong bato kasi lagi na lang akong nasa baba mo. Hindi makaakyat, hindi kakayanin ang bigat.
Ganito na lang ba lagi? Hanggan sulyap na lang sa iyong ganda? Hanggang talsik na lang iyong pag-asang may tayong dalawa?



 Pagbalibaliktarin mo man ang mundo, sa iyo pa din mahuhulog ang puso ko. Ang gravity of the earth at inertia of the planets ay walang sinabi sa paghila mo sa katawang tao ko.  (pick-up line!)



Oo na, oo na , ikaw na ang maraming manliligaw! Pero sana hindi mo ako pinaasa kasi ang sakit sakit na. Oo, maganda ka nga sa labas pero iyong kalooban mo, bulok, lanta, inuuod. 


 Pangako mo sa akin noon, ako lang. Maliwanag na sa akin ang lahat. Ako lang ang nasasaktan. Ako lang ang binbalewala. Ako lang ang iniiwan. 



 Ang relationship ay parang ABANG falls -may mga levels. 
Level 1: Infatuation; Level 2: Intimacy; Level 3: Breakup
At sa lahat ng levels, bakit ba favorite mo ang level 3?

Ikaw ay parang tubig sa Abang - nanlalamig. 




No comments:

Post a Comment