Wednesday, 14 September 2016

BARAKUDA: A LOVE UNTOLD



CHAPTER I
Sabi ng matanda, ang pag-ibig daw ay parang iyong tinda niyang sampaguita – mabango, kaaya-aya at busilak. Tama nga naman siya, pero sa simula lang iyan kasi habang tumatagal, malalanta rin iyan, mangingitim at itatapon sa basurahan. Parang si Barakuda.

Unang nagtagpo ang landas namin ni Barakuda sa isang karinderya malapit sa aming tahanan. Alas-9 noon, sabado nang umaga at kagagaling ko lang sa gym kaya mega mega ang akes sweat glands magproduce ng anek anek na liquefied salts pero kiberlalu and then, I was mega mega hungrybells so I ordered “Ate, pansit na may halong … .”

“DINUGUAN. (sabay kindat kay Ate ),” isang garalgal na boses ang biglang  sumingit.
Parang kinilig si ate at nagtransform na Flash sa bilis ng pagbigay ng order ng Echoserang Lalash na itey. Yuck! Hindi naman gwapo uy! Mas gwapo kaya si Babe James Reid ko.

“Ate, unfair. I was here first kaya next time po sana, ientertain niyo muna kung sino ang nauna hindi iyong basta basta na lang sisingit diyan!” (parining ko sa feeling yummy na laley)

“ Any prob, miss?” sabi ng chaka at ngumisi na parang adik tapos nagkagat-labi. Sira ulo! Manyak! Paminta!

“Warut! Chukies and cream! Wa pagkakioms!" (sabay walk-out)

Lumakad ako ng mabilis! Nakakainis! Gutom na gutom na ako! Penge foods! Bwisit naman kasi iyon! Napakaungentleman!

“Miss!”

Aba, aba, hinahabol ako ng kumag!
Tumakbo ako! Bilis!

“Miss!”

Takbo pa rin. Woah!!! May rapist na pala ngayon kahit umaga! Ayan na.. malapit na siya!!!! Sh*t, maabutan niya ako! Urgh!!!!!!!!!!!!!!!!!! Bakit ba kasi ang iksi ng legs ko!!! Grrrr!!! Ah! Sige, karate gusto mo ah! Pagbibigyan kita!!! I turned around and then…

CLASH! BLAGAG! BOOMPANES! BOOMPANOT! WATAAAKKK! PAAK NA PAAAK!

In slow motion, nagbunggoan kami , bumagsak kami at natagpuan ko ang aking sariling nakalingkis sa kanyang matitipunong bisig… nagtagpo ang aming mata, narinig ko ang kabog ng aking heart..sobrang lakas.. parang mageescape from my ribcage , bolta-boltaheng kuryente ang dumadaloy sa aking katawang pusa. Eto na ba iyon???!! . Oh my God! Kinapa ko ang kanyang dibdib! May dugo!!!

Calling DPS!!!! Kriiing!!!!!!!!!!!!!!!! Sumagot kayo  DPS!! kund hindi, iCCPR ko siya!!

“What do you think you’re doing?”

“You’re bleeding!” 

It was that dinuguan pala. Shonga lungs te? Epektus cguro ng di pa naglalafs itey.

He started laughing..so hard! I could see his perfect set of white pearls and his little dimples while he grins. He seems genuinely happy with just the right touch of suave. It was pure bliss hearing his incessant insane laughter and watching those chinito eyes that crinkle at the corners. For a fraction of second all I ever wanted was his smile to stay and I thought, if ever we will be, even if the world around us started collapsing, I would not dare crush his heart.

He helped me get up. Emeged. Anlambot ng hands. Bagong downy. Bwahaha! Pamasahe po. 

“I think you owe me a date.”

“Pardon?”

“Sayang iyong dinuguan, natapon lang sa shirt ko. Bibigay ko pa naman sa iyo iyon kasi diba iyon iyong order mo yata sa karinderya? Sorry pala kanina ha? Peace na tayo. Anyway, I’m Red, 28 and you definitely owe me a date.”

*end of Chapter 1



No comments:

Post a Comment