Sunday, 14 February 2016

Hoy Kupido, pahingi ng pana! Mga one dozen!


May iba’t ibang klase ng tao ngayong araw na ito po.

Una, iyong wrong grammar. Sabi sa akin kanina, “Happy Valentimes!” Try mo kayang imultiply ang utak mo sa pagbabasa ng english books. Meron pa isa, “Happy Valentine Day! At iyong isa pa, “Happy Valentines!”  Kapag di mo alam icorrect ang grammar diyan, alam na. Aral muna kasi bago landi.

Pangalawa, iyong mega post sa fb ng pictures niyang may hawak na bouquet of red roses, chocolate at teddy bear. Binigay daw ni bf eh sa totoo lang, sariling gastos niya iyon. Haha. Pina-LBC pa! Sosyalan mo Inday! Teka, nahugasan mo na ba iyong mga plato?

Pangatlo, iyong mga may amnesia. “Ano’ng araw ba ngayon?”  “Ahh. Valentine’s day ba?”. Muntik nang dandani ko nang nakalimutan” ang peg atweh. Iyon pala, sa loob loob, nag-eexpect na may magsusurprise sa kanya. Sori ka na lang, manhid iyong bet mo ! Hahahahaha! Colombiazoned pa more.

Pang-apat iyong mga nakacouple shirt na best tambay sa street. “She is mine” and “He is mine.” Eh di wow. Lupa ba iyan! San ang titulon! Nasaan??Ilabas mo Kuya!

Panlima, iyong bitter. “Kaway kaway ang mga walang lovelife!” Hindi ako kakaway, may bf kaya ako. Di niya lang alam. Haha. Joke. Ano ba kasi ang problema pag wala kang lovelife sa araw ng mga puso? Pwede ka namang makipagdate sa friends mong mga baliw. Mamasyal kaya tapos best pahearing aid na walang forever sa  mga nagdidate na mga pangit. Wag kang mawalan ng hope te. Iyong pangit nga nagkalovelife, ikaw pa kaya?  Konting waitshiva lang. Darating din siya.

Sixth, the hugot kings and queens. “Ate pabili po ng memory plus para naman maalala niya na may gf pa siya.” “Ate pabili po ng washing machine, iyong walang dryer, para naman hindi matigang ang pagmamahalan namin.” “Alon ka ba?” “Bakit?” “Kasi kung oo, eh di sana , binalikan mo ako.” Push mo iyan. Ilabas mo lahat baka kasi maging tae pag pinipigilan.

Seventh, iyong mga Happy New Year gang. Tandaan po ha, ito ay Valentine’s day hindi Happy Paputok day. Tsk tsk.

Nine minus one, iyong very true at sincere talaga iyong love for another. Iyong bang komportable at masaya sila sa piling ng bawat isa. Kahit hindi ipost sa fb iyong mga sweet photos at travel video nila. Kahit pareho silang lalaki, o parehong babae o  bisexual man or hermaphrodite, tanggap nila kung ano at sino sila. Love knows no gender. Love is acceptance. Love can happen at the least expected time ,at the least expected place with the least expected person. You can never choose who to love for love chooses you. You cannot plan nor control what’s gonna happen. And you cannot teach your heart to love someone either. And if ever you have found that one true love, treasure it, Fight for it. Never let it go. True love only comes one. Bawal ang TOTGA – the one that got away. Nasa iyo na nga, pinakawalan mo pa. Tangengots lungs?

And ninth,  iyong miscellaneous. I’m talking about unrequited love, fallen out of love, still waiting, moving on, afraid to love again, NBSB/NGSB. Ever wondered why nobody falls for you? Ever wondered why it’s been a long time since you fell magically happy upon seeing somebody? Ang sagot diyan, nawalan kasi ng pana si Kupido. On the way pa lang daw iyong stock pero traffic kasi sa EDSA ngayon kaya baka hindi makarating until midnight.Haay, may forever nga sa EDSA.
Kunwari na lang, ready na iyong arrow, handa ka na bang magmahal? Kaya mo na ba ulit masaktan? Kung hindi,  focus ka muna sa studies, career or family. Nandyan din si God where everyday is Valentine’s Day and your everyday valentine gift is the so-called life! Thank you God!

Kung ready ka nang umibig, eh di mabuti! Ang love parang sugal iyan- walang kasiguraduhan kung mananalo ka o matatalo. May isang nagsabi sa akin “It’s better to have loved than not to have loved at all.” Korektus cactus but when we love, we should also use our head. We need at least an itsy bitsy logical, rational side of our head! Do not be afraid to say “game over” when he thinks less of you, when he tells that he’s too busy to be with you! There is no one busy in the world! It’s all about priorities. You will always find time for the things you feel important. Si Barrack Obama, pinakapowerful na tao sa buong earht, sinusundo si Madame Michelle anytime, ikaw pa kaya na president lang ng liga. Haha. Charot.

 Basta, Love is supposed to be healthy and passionate. The best love is the one that makes you a better person without changing you into someone other than yourself.


Uy, Kupido, eh ako kailan ba? Pahingi ng pana! Mga one dozen. Papanahin ko lang si Papa James Reid – sa lahat ng parte ng kanyang katawan para sa akin lang siya. Akin lang iyong leps niya, masskles, pes atbp! Nyahahaha!

No comments:

Post a Comment