Monday, 17 October 2016

ANO’NG ULAM TITSER? BULALONG LESSON PLAN (Isang Lathalaing Dyornal)


June 2012
Bagong college graduate. Naging instructor sa private school. Nagturo ng English, Filipino at Science. Sumweldo ng 50/hr. Muntik matanggal kasi ayaw ng mga istudyante. Terror. Snob. High Standard. Miss Sungit. Straight English. EOP sa loob ng klase. Bwisit.

September 2012
Tumaba. Nagkacrush sa Dean. Nakapasa sa LET. Hindi nakaattend ng Oath-taking Ceremony. Nag-enrol ng masters pero kinuha Guidance and Counseling kasi nga frustrated psychologist.

November 2013
Naging administrative aide at titser sa isang public school pero ang sweldo ay pang-admin aide. Tumaas nang bahagya ang sahod.

January 2014
Pormal na naging titser sa public school. Nagturo sa junior high school at sa tech-voc.
Nasabihang hindi naman maganda, maputi lang.
Chinismis ng kung ano-ano.
Tinawag na Maria Mercedez ng mga estudyante.
Nabully ng ibang guro. Naireport etc.
Nagkaroon ng MIO sporty.
Umiyak nang todo.
Gusto nang magresign pero you have to exit with grace.
Bumangon at nagturo. Dineadma mga chismosa at bullies.
Bumait.
Mas naintindihan niya ang mga iba at sarili niya.
Nakahanap ng mga bagong kaibigan.
Nagzumba. Nagpainting. NagGYM. Nagbar.

June 2014- April 2016
Naging designated guidance counselor nang isang taon.
Mas bumait.
Tinapos ang academic requirements sa masters.
Nakipagdate. Nainlove. Niloko. Gumanti. Nanreject.
Gumawa ng blog.
Unti-unting natupad ang bucket list.
Naging palasimba.
Nabangga.
Nabayaran lahat ng utang.
Naging waldas sa pera dahil laging nakaOOTD, kumakain at nagtratravel.
Pagod nang magturo pero nagtuturo pa rin.


May 2016
Naging divison-based SHS teacher kasi gusto niya sanang mapunta sa ibang schools kaya lang hindi naman nakaalis.
Nasunog ang balat.
Nagparebond.
Nagtraining ng 18 days.
Sinunog ang kilay sa pag-iingles kasama ng mga magagaling na guro sa rehiyon.
Nagtaka kung bakit nagtuturo pa rin hanggang ngayon.

June 2016
Opening. Naging Teacher III.
Nakilala ang mga Grade 11 students ng EIM at Academic Track.
Nag-enjoy. Magagaling ang mga bata. Talented. Maingay pero may sense ang sinasabi.

July- September 2016
Nagthesis writing.
Naging sakitin at bumalik ang insomnia pero buhay pa rin.
Nagrevolve pa rin sa pagtuturo ang araw-araw na buhay.
Sari-saring classroom activities. Snakes and Ladders. Search. Rap. Puzzles. Speech Choir. Quiz Bee. Social Media Apps etc.
Namemorize niya lahat ng pangalan ng mga bata.
Nagmiki kasama nila. Nagmcdo kasama nila. Nagovernight. Nakipagkwentuhan. Nakinig sa mga life stories. Umiyak. Tumawa. Humagulgol. Humalakhak.
Napamahal sa mga bata.

October 2016
Nasurpise noong teacher’s day. Sa unang pagkakataon, may nageffort na pasayahin siya. Ang saya-saya. Natupad ang isang pangarap niya.
Maraming nagbigay ng regalo at lahat iyon nakadisplay sa bedroom niya.
Sumayaw ng pang80’s.
Ang atensyon ay puro na lang istudyante.
Natulog at gumising na ang nasa isip mga istudyante.
Hindi na siya nahihirapang bumangon araw-araw kasi lagi niyang gustong makita sila.
Minahal niya ang mga bata nang buong-buo.
Ngayon lang niya naramdaman ito sa apat na taon niyang pagtuturo. Iyong koneksyon, Iyong parang red string of fate. Iba eh iba. Hindi maipapaliwanag gamit ang mga salita.
Nagtanong siya sa sarili, “Hindi ka na aalis, no?”


Hindi sumagi noong hayskul ako na magiging guro ako. Ayaw na ayaw ko ang mga guro kasi hindi ko sila masyadong maintindihan. Ayaw ko pa ng uniporme,  pang-matanda kasi. Tingnan mo nga naman ngayon, mapaglaro ang tadhana. Guro ako.

Noong nakaraang lingo, nagkukuwentuhan kami ng mga kapwa SHS teachers.
Sabi ni ma’am, ‘At the end of your work, pag happy kang umuwi, it means makabuluhan ang buhay mo. Masaya ka.’
Parang nagising ako bigla. Hindi ko na maalala iyong huling beses na umuwi nang malungkot. Araw-araw kasi akong umuuwi nang may ngiti sa mga labi. Parang namulat ako sa katotohanang , ‘Ang sarap parang maging guro.’ At unti-unting lumiwanag ang lahat , ‘May silbi pala ako sa mundo at araw-araw akong magpapasalamat kasi naging guro ako.’

XYZ: Ma’am, I’ll deliver my speech today.

Ayan, may magsspeech. Wait lang. Makikinig muna ako.

















No comments:

Post a Comment